9/15/08

"-"ReBoLuSyoN"-"

1. If you were a group of revolutionaries then what would you advocate for the change in the Phil society?
Bilang mga mag-aaral kami ay magmumungkahi ng mga programang makatutulong upang lalo pang mapagbuti ang klase ng edukasyon sa bansa. Naniniwala kami na upang tuluyang umunlad ang isang bansa kinakailangan na ang mga taong nakatira dito ay hindi maging magmang o ignorante sa mga pangyayari sa dito. Kinakailangan din ito sapagkat ang pagsisikap na mapaunlad ang ating bansa ay hindi pangmadalian kaya naman habang maaga pa ay gumawa na ang gobyerno mga paraan. Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan kaya naman dapat maging maganda ang kanilang pundasyon.


2. Is the death of Andres Bonifacio worth it/just?Why?
Si Andrés Bonifacio ay siyang namuno sa rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.Nang sinubukan ng mga miyembro ng lupon ng mga Magdalo na kuwistiyunin ang kakayahan ni Andrés Bonifacio, idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil. Ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kanyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na lalaki na si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis). Hanggang ngayon, hindi pa rin natatagpuan ang labi niya.
Ang pagkamatay ni Andres Bonifacio ay hindi makatarungan. Sa dami ng kanyang ginawa at isinakripisyo para sa paglaban para sa kalayaan ay hindi naman siguro tama na basata na lamang siyang ipapatay dahil sa siya ang magiging hadlang daw sa pagkakaisa ng grupong siya mismo ang nagpasimuno.Kung hindi siya pinapatay ay maari naman siyang makatulong upang maibalik ang nagkawatak-watak na KKK at magkaroon ng mas malaki pang rebolusyon laban sa mga Espanyol.

3. Is Jose Rizal against or supportive of the revolution?Why do you think so?Is he right?
Hindi supotado ni Rizal ang rebolusyon.Kaya nga nang pinapunta ni Bonifacio si Dr. Pio Valuenzela kay Jose Rizal upang humingi ng payo ay tumutol si Jose Rizal sa rebolusyo.Sabi niya na hindi pa handa ang mga Pilipino at kulang pa ng mga sandata para labanan ang mga Espanyol.Ang gusto niya at ng kanyang mga kasama ay ang reporma.Ayaw niya ng paraan kung saan ginagamitan ng dahas. Hindi nila hinangad na maging malaya ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol ang nais nila ay ang maging "state" ng Espanya ang Pilipinas at magkaroon ang mga Pilipino ng pantay na karapatan sa mga Espanyol. Sa tingin ko sa pagkakataong iyon ay hindi sapat ang papel at "pen" lamang sapagkat hindi naman iyon pinansin ng mga Espanyol. Sa mga pagkaktaong iyon ay mas magiging epektebo ang pagdanak ng dugo sapagkat hindi makakamit ng mga Pilipino ang kanilan hinahangad kung susundin ang mungkahi ni Rizal.